Good trip sa Samar, Biliran, Southern Leyte, at Ormoc noong April 25-27 (whew!)

Good trip sa Samar, Biliran, Southern Leyte, at Ormoc noong April 25-27 (whew!)

Atty. Kaka Bag-ao

Basically ay inikot namin ang kalakhan ng Region 8 sa loob ng two and a half days🙂

Masayang masaya ako sa sortie na ito kasi nabalikan namin ang mga nadaanan ng Sumilao nung sila ay naglakad sa Visayas.  Tamang tama dahil kasama namin ni Jane si Yoyong sa sortie na ito.  Ayun, personal na nakapag pasalamat ang crowd drawer na si Yoyong.

Kung hindi ba naman kami pinagpala ni Lord.  Nakita namin sa Tacloban airport si Bishop Abarquez ng Diocese of Calbayog (di namin sya malilimutan kasi pinasayaw nya, kasama ng mga madre at pari, ang mga farmers na galing sa init at ulan – nagtatalo na noon sina Jane at JunG kasi medyo naiinis si JunG sa activity pero ini insist ni Jane na “hellow! Obispo kaya yan! Alangan nating pigilan”).  Si Bishop ang nagsabi sa amin ng phone # ni Fr Cesar Aculan na SAC director ng Samar at dati kong kaklase sa isang management course.  Nung matawagan namin si Fr Cesar, nag van na kami pa Catbalogan, Samar.

Sa Catbalogan ay nag reunion kami nina Fr Cesar at Oco, isa rin sa mga classmates namin.  Si Oco pala ang coordinator ng Noy-Mar-SLAMAT LORRRD sa Samar.  At parating ang buong slate sa Tacloban at Catbalogan sa 27!!!  Noong nagtanong ako sa RisaHQ, sasama nga si Risa sa Samar sortie!  Nakakatuwa kasi makakapag advance party na rin kami para sa kanya!  Paumpisa pa lang ng sortie, good trip na!!!

Mula Catbalogan ay nag van kami pa Gandara at Sta. Margarita kung saan nakadaupang palad kong muli ang mga paralegals na nakilala ko sa kumperensya ng SALIGAN.  Andun sina Kuya Jessie at Kuya Danny at iba pang mga liders ng iba’t ibang POs.  Ang husay nila! Pati trafficking ng mga kababaihan ay kaya nilang sagkaan.  Nagkwento kami ukol sa Akbayan at syempre, inimbitahan namin sila sa sortie ni Risa.  Nag-iwan din kami ng mga materials na ipinadala ni bossing Blenda.

Mula roon ay van ride na naman.  This time, pa Tacloban.  May dalawa pa kaming lugar na dapat puntahan: sa Alang alang, Leyte kung saan nag set si Jane ng hapunan kasama ni Mayor Yu at sa Libagon, Southern Leyte kung saan nagsabi ako kay (soon to be) Mayor Tito Calooy na doon kami matutulog.  Sa van, walang humpay ang kwentuhan namin.  Pag napagod magchika, tulog naman.

Naku, nasiraan yung van namin sa San Juanico.  Memorable sa Sumilao ang San Juanico pero wala sana kaming balak na lakarin ulit ito.  Lalo na at 7pm na.  Buti na lang at naga antay sa amin ang sasakyan ni Mayor Tito kaya nasundo nya kami at nadala sa Alang Alang kung saan pinakain at pinatulog kami ng mahimbing ni Mayor Yu.

Sa Biliran kinabukasan ay nakilala namin ang kapatid ni Jowil na si George Plecerda.  Sya ang nag organize ng sortie doon.  Nagkaroon kami ng voters’ ed sa Biliran at Naval.  Pinag kwento rin ng mga tao doon si Yoyong ukol sa update sa Sumilao.  Aba! Crowd charmer pa rin si Taba.  Pinapa iwan na nga si Yoyong at inirereto sa isang bagets doon.  Gisi!🙂

Pinakilala sa akin ni George sina Mayor Klong, SB Jun na tumatakbong Vice-Gov (salamat sa pagpahiram ng sasakyan sa Biliran), ang kagalang galang na principal ng Biliran Central School (salamat po sa mga alumni na nagpakain sa amin ng napakasarap na tanghalian), mga pollwatchers, mga estudyante ng NIT/NSU, si Dr. Genson na pangulo ng unibersidad, at ang kanilang Mommy (Jowil, maraming sinabi si Jane sa mommy mo).

Pagabi na.  Kailangan na namin magbyahe pa Libagon para maabutan ang pulong pulong sa baranggay ni Mayor Tito.  Oras na naman para mag van.

Panalo ang baranggay sortie ni Mayor Tito.  Alas onse na yata kami nakarating ng Libagon at halos 850 katao ang nakikinig sa mga accomplishments ng mga SB at nina Mayor.  Kilala at botante ng Akbayan ang mga tao.  Sobrang saya nung gabi na yun maski nakakapagod.

Matapos ang maagang maagang almusal kasama ni Mayor Tito kinabukasan, pa Ormoc na kami.  Buti at pinahinatid kami ni Mayor Tito kina Piok at Dexter.  Sa Ormoc, inantay kami nina Noel at Arnel (mga taga KAISAHAN) sa Dunkin kasama sina Josie at Kim ng Ormoc Cable at si Nong Val, isang PO leader.  Nagkaron ako ng interview sa Ormoc Cable at pagtapos nun ay nagpunta na kami sa ASDP House sa Brgy Juaton.  Akala ni Jane, mga 6 na PO leaders lang ang aming makaka kwentuhan.  But no! mga 45 siguro ang nandun.  Ang ilan ay mga dati ng paralegals, ang iba ay mga bagong kaibigan ng ASDP mula sa ibang bayan, pero ang karamihan ay mga kasamang naglakad ng Sumilao farmers sa Visayas leg ng martsa.

Masaya ako at personal ko silang napasalamatan para sa lahat ng bigas, gulay, prutas at suporta na binigay nila.  Sinundo nila ang mga Sumilao farmers pagdaong ng barko sa Liloan, Southern Leyte at inihatid patawid ng Samar sa tulay ng San Juanico.  Masaya rin silang nakinig sa update ni Yoyong.  Sa dulo ng meeting namin, nagkasundo kami na ime matrix nila ang kanilang kaso at ibibigay sa Akbayan para ito rin ay madala sa COCAR.  Nagpasalamat din ang mga magsasaka sa amin kasi sa ilang privilege speech ni Risa sa Congress ay isinama nya ang mga kaso nila sa Ormoc.

Nung tanghali na ay sumakay na kami ng float pa Cebu.  Pabalik na kami ng Manila.  Good trip ang sortie na ito.  Salamat sa lahat ng tumulong na i organisa ito: Jowil, Noel, Arnel, George, Bobbie, Aison, Jane, Annie, Carmel.  Salamat din kina Malou, Kit, Libay, Bossing Blenda, Tom, at Arlene.

Kapag Akbayan ang Lumaban

Maganda ang Laban

Panalo ang Mamamayan

This entry was posted in Good Trips and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s