AHRC BOS (April 9, 2010)

AHRC BOS (April 9, 2010)

Atty. Kaka J. Bag-ao

Noong umaga ng April 9, 2009 ay bumiyahe kami papunta sa Angel’s Hills Retreat and Formation Center para dumalo sa BOS ng Ateneo Human Rights Center. Naimbitahan kasi ako ng isang mabait na kaibigan na si Atty. Ryan Quan na maging speaker nila tungkol sa peasant sector. Walang masyadong traffic, kaya mga one hour ahead of schedule ang dating namin, at nagstart kami 30 minutes before the actual time.

Syempre, bago kami nagstart ay nag-ice breaker muna kami na ang title ay “Life”. Seryoso yung unang part at seryoso kasi ang intro ko kaya talagang solemn ang mood ng mga kabataaan. Nagkagulo na sa second part nung nalaman nila ang talagang mangyayari.

Umupo na sila, at pinakilala na ako ng mga facilitators sa mga law students. Nagpakita ako ng isang presentation about the Sumilao farmers para sa introduction ko. Pagkatapos ay nagsimula na ako. Kinuwento ko na ang CARP law noon at ang CARPER ngayon, at syempre bida sa aking talk ang mga Sumilao farmers dahil isa sila sa malalakinh dahilan kung bakit naipasa at nasabatas ang CARPER. Nagkuwento ako ng mga nangyari sa amin habang naglalakad mula Bukidnon hanggang Maynila, at masaya ako dahil interesado sila sa aking kwento, at mukhang na-inspire sila sa mga pinagdaanan ng Sumilao farmers habang sila ay naglalakad. Nagkaroon din ng open forum kung saan ay nagtanong sila about CARPER at ang mga issues related dito. Nagbigay din ng pagkakataon ang mga facilitators na ako ay mangampanya para sa Akbayan after ng open forum.

(Sabi ko kay Atty. Ryan, ang seryoso naman ng BOS nila dahil ang daming speakers at pang-anim na ako. Natawa lang siya.)

Pagkatapos ng talk ay nag-merienda kami, at maraming-maraming salamat kay Atty. Ryan sa kanyang pag-asikaso. Isang bandehadang salad na puro gulay at prutas at masarap na vinaigrette dressing ang kanyang hinanda para sa akin. Masaya din ako at dumating si Atty. Leng na nangsabing sinadya niya talaga ako dun sa Tagaytay. Nag-photo session kami kasama ng mga law students at nagkapaalaman na.

Salamat sa mga tumulong at nag-organize: Atty. Ryan, Atty. Leng, Jane, Annie, Carmel. Salamat din kina Malou, Kit, Libay, Bossing Blenda at Arlene.

Kapag Akbayan ang Lumaban
Maganda ang Laban
Panalo ang Mamamayan!

This entry was posted in Good Trips and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s