Good Trip to Bacolod and Antique (April 22-23)

Good Trip to Bacolod and Antique (April 22-23)

Atty. Kaka J. Bag-ao

Nag-start kami from Bacolod nung April 22 ng umaga. Nakipagmeet kami kay Atty. Gigi Grandea, ang dati kong kasamahan sa SALIGAN sa L’Fisher Hotel for breakfast. Timing ang pag-stay naming dun kasi meron palang seminar/workshop on security issues ang Friedrich-Ebert Stiftung at ang daming participants dun ang kilala ko na nakikipag-usap sa akin. (nandun din pala si Ding Velez.) Habang nag-chichika kami ni Atty. Gigi, may mga lumalapit sa amin (or lumalapit kay Atty. Gigi) at nakikipag-shake hands at nakikipag-chika. Sabi ko nga kay Atty. Gigi, sakto din ang upuan namin, kasi katapat naming ang entrance, at kitang-kita kami, kaya pag may dumarating na kakilala ay todo salubong at chika ang nangyayari. Para na kaming nag-sortie sa isang place.🙂

(Dahil nasa Bacolod kami at buffet ang breakfast, tinira naming ang danggit. At nandun din pala sa hotel nakatambay ang NP, kaya ang restaurant sa hotel nang pagdating naming ay puro naka Loren shirt.)

Dumating din sila Roly at Allan, mga taga Pag-inupdanay, at tumambay muna kami sa L’Fisher at nagchika-chika pa. Tapos, pumunta na kami sa office nila Atty. Gigi at ng QK, na nasa isang building. (Ang law firm ni Atty. Gigi ay nasa second floor, at halos katapat ng QK office na nasa third floor.) Since maaga pa naman at mga 10 pa kami pupunta ng Iloilo, tumambay muna kami sa kanila at nagchika-chika pa. Hinatid kami ng service ng QK sa pier ng Bacolod para pumunta ng Iloilo.

Masayang-masaya ako dahil nakipagkita ako sa mga dating kasamahan dito sa Bacolod. Parang reunion tuloy ang nangyari.

(Ang sinakyan naming papuntang Iloilo ay ang Wheesam ferry, at ang “in-flight movie” ay August Rush, na hindi natapos dahil dumaong na kami at may nagalit na pasahero.)

Ang sosyal ng nangyari after. Ang sumundo sa amin sa Iloilo wharf ay walang iba kung hindi si SP Nanding Corvera, na tumatakbo palang Vice Governon ng Antique under the Liberal Party. Sinundo nga nya kami at nag-lunch kami sa isang seafood restaurant na kung saan ay buhay pa ang mga napili naming ipaluto, kaya sobrang fresh. At ang restaurant na ito ay nasa tabing-dagat kung saan kitang-kita mo na ang Guimaras.

May natutunan kami from SP Corvera during lunch. Kumakain kasi kami ng lapu-lapu, at halos maaubos na ang upper part. Sabi nya, may pamahiin na during election campaign period at kumakain ka ng isda, hindi pwedeng baliktarin ang isda kasi babaliktad din ang votes para sa yo. (At simula noon ay kapag kumakain na ako ng isda during sorties, hindi ko na binabaliktad.)

Pagkatapos ng lunch, nagbiyahe na kami papuntang Antique. Dahil busog, ang sarap ng tulog ko sa sasakyan. En route to Antique, bumili kami ng kamatsile at siniguelas para mangatngat. Pagdating naming sa San Jose, naunang bumaba si SP Corvera kasi may interview pa sya on cable TV, at pinahatid niya na lang kami sa Kanyugan Restaurant kung saan naghihintay ang Akbayan division members.

Pag dating namin sa Kanyugan Restaurant, sinalubong kami nila Rey Elio (Akbayan division chair), Noli Valenzuela, Baby Llavana, Venus Gasparil (na pinsan ni Daphne), at ang ibang paralegals at Akbayan members. Nandun din si Goldy Chan at ang classmate ko from Ateneo Law School na si Judge Emil Legaspi. Another reunion na naman ang nangyari, kasi sa Antique ako tumatambay nung batang-batang abogado pa ako, at masayang-masaya ako dahil nandun pa ang napakaraming kaibigan ko, at talagang naghanda sila ng welcome program para sa akin.

Medyo maikli lang ang mga chika naming, kasi paalis na rin sila Goldy at Emil, at makikipagkita pa kami sa PROCESS Panay care of Lorena (kasama namin si Noli at hinatid kami ni Venus). Pinakilala nya ako sa mga PROCESS members na nandun, at nagsalita na ako sa harap nila tungkol sa Akbayan at sa CARPER. Pagkatapos ay nag-open forum na, at marami silang questions regarding CARPER at ang automated elections. Dahil ang CARPER at ang Agrarian Reform ang isinusulong ng Akbayan, at dahil malapit ito sa mga paralegals at organic farmers na nandun, nagpahayag sila ng pagsuporta sa Akbayan.

(Dapat ay pupunta pa kami sa program ng Pinagbirayan festival after, pero sa sobrang concern nila Noli tungkol sa aking kalusugan, ayaw nila akong mausukan at sinabi na lang na magpahinga na lang kami. Kaya nag-exercise na lang kami ni Annie sa oval.)

Nag-stay kami sa AHDP office nung gabi. Pinagluto pa kami ni Baby ng isda, at nagchika kami tungkol sa mga magagandang planong gusto naming matupad. Natulog kami kaagad kasi aside dun sa pinaka-sortie, may biglaang schedule ako ng radio at cable interviews ng 6:30 ng umaga.

Sinundo kami ni Noli sa AHDP ng 6:00 para pumunta sa DYKA radio station para sa interview sa morning program ni Fr. Edione Febrero, ang station manager, tungkol sa isyung lumabas na di umano ay sinabi na ang Akbayan ay hindi sumuporta sa Sumilao farmers at pinabayaan nila ang mga ito, at gusto nila Rey at Noli na linawin ko ang isyung ito sa interview. Medyo nahuli kami sa oras dahil nasira pala ang isang transmitter ng DYKA. Kasama ni Fr. Edione sa programa si Ontoy Montaño. Doon ay ipinaliwanag ko kung ano ba ang Akbayan, ang plataporma nito, at ang malaking kontribusyon ng Akbayan sa Sumilao farmers at sa pagsulong ng CARPER. Pagkatapos ng interview ay nagmadali kaming pumunta sa Buenavista Cable station para naman sa TV interview kay Rey Elio. Pinaliwanag ko uli ang isyu ng pagtulong (o di pagtulong) ng Akbayan sa Sumilao. After ng program, pinakilala ako ni Rey sa kanilang station manager.

Pagkatapos ay nagpahinga kamu ng sandal at kasama si Baby Llavan ay pumunta na kami sa Disodado Macapagal Trade Center kung saan idinaraos ang isang malaking pagpupulong na hinanda ng Akbayan division ng Antique, especially ni Noli (na talaga naming busy at nag-ayos ng lahat.) Ang isa sa mga highlight ng programa ay ang intermission numbers ng Middle Voice, isang grupo ng mga kabataang LGBT na sumusuporta sa Noy-Mar at syempre kay Risa at sa Akbayan. Nagbigay ng solidarity messages ang iba’t-ibang leaders dun at kasama na rin na nagsalita si SP Nanding Corvera. Masayang-masaya ako dahil kahit mainit ang panahon nung nagsasalita na ako tungkol sa Akbayan at ang mga plataporma nito, at sa CARPER, ay marami ang nag-participate sa open forum, at nabitin, kaya itutuloy after ng lunch.

Nananghalian muna kami sandal at bumalik na sa AHDP kung saan magkakaroon ng part 2 ng open forum at meeting with the paralegals. Nagpahinga kami ng kaunti at nagstart na uli ang meeting. Masayang-masaya ako dahil na-miss ko talaga ang mga panahon kung saan talagang na-involve ako with the paralegals, at ang dami naming nagawang mga pagpaplano. Sabi ko sa kanila, sa mga unang araw ko bilang kongresista ay babalik ako sa Antique.

Umalis na kami sa Antique ng 3:00 papuntang Iloilo kung saan ay sasakay kami ng eroplano (first flight), kaya nagkapaalaman na. Si Venus ang kasabay namin, at sila talaga ni Noli ang naghanap ng sasakyan papuntang Iloilo. Nagstay kami sa Residence Hotel kung saan pala ay inasikaso ni Venus ang lahat-lahat bago kami dumating. (Nag-sortie pala si Walden bago kami dumating. Nakita namin si Atty. Jae dun.) Nag-dinner kami kasama si Venus at chika chika ng konti bago sya umalis. Nakitulog kami sa room ni Malou, at si Malou din ang nag-arrange ng taxi na magdadala sa amin sa airport bukas pauwi ng Manila.

Good trip ang sortie nito. Salamat sa mga tumulong at nag-organize nito: Atty. Gigi, Teody, Roly, Allan, SP Nanding Corvera, Rey, Noli, Venus, Emil, Goldy, Jane, Annie, Carmel. Salamat din kina Malou, Kit, Libay, Bossing Blenda at Arlene.

Kapag Akbayan ang Lumaban
Maganda ang Laban
Panalo ang Mamamayan!

This entry was posted in Good Trips and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s