Good Trip to Bagong Silangan, Quezon City (July 7, 2010)

Good Trip to Bagong Silangan, Quezon City

Atty. Kaka J. Bag-ao

Noong July 7, kasama kong bumisita si Ms. Lena Hejlm Wallen, ang dating Deputy Prime Minister ng Sweden at Minister ng Foreign Affairs, sa Bonifacio Daycare Center na bahagi ng napakaraming proyekto ng Akbayan na tumutugon sa pangangailangan ng mga kabataan at ng mga kababaihan.

Ang Daycare Center ay hindi naman kalayuan; madadaanan mo muna ang Batasan Hills bago lumiko-lumiko sa mga eskinita. May tulay kang tatawiran dun, at sa pagtawid mo ng tulay ay parang magtatataka ka kung nasaan ka. Sabi nga ni Mother Jessie, parang “time warp”. Nasa Quezon City kami, pero mayroong malawak na bukid at may mga baka.

Maliit ang Daycare Center, pero ang cute nito, lalo na pag nakita mo ang mga tatlumpung batang nakaupo sa kanilang classroom. Nauna kami kina Ms. Wallen na dumating (kasama ko si Mother Jessie), at nakita ko ang isang eksenang di naman nalalayo sa ating mga silid-aralan – may mga batang nagtatakbuhan at nagsasayawan, maraming batang maingay, may mga nagsusulat at nagdodrowing, at may mga batang talaga naming pasaway (na sa tingin ko ay normal naman). Pinakilala ni Mother Jessie si Laling, ang isa sa mga kababaihang masigasig na nag-aasikaso sa Daycare, at ang masipag na guro na si Teacher Maya, na galing pa sa Dipolog City.

Pagdating nila Ms. Wallen, ang mga bata ay lumabas ng classroom at nagpuntahan sa aming bisitang taga-Sweden upang magmano, at natuwa si Ms. Wallen nang lumalapit sa kanya isa-isa ang mga bata. Pagkatapos ay pumasok na kami, at nagkaroon ng kaunting kasiyahan, dahil may dalawang batang kumanta ng theme songs ng mga telenovela, at may dalawang batang nagsayaw na kahit walang music ay feel na feel pa rin nila. Nagbigay ng maikling mensahe si Ms. Wallen tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Umikot kami sa Daycare Center at nakita namin ang bagong gawang stage nila para sa mga programang tulad ng U.N. at graduation.

Ikinuwento ni Ate Laling sa amin ni Ms. Wallen na ang unang batch ng kanilang Daycare Centerr ay nasa First Year High School na ngayon. Nakakatuwang malaman din na nasusubaybayan nila Ate Laling ang mga batang nag-graduate na sa Daycare Center, at halos lahat ng mga mag-aaral nila na pumasok ng elementary ay bahagi ng honor sections at mga honor students. Masaya ako nang nalaman ko ito, dahil isa itong patunay na malaking bahagi ang ginagampanan ng Daycare Center sa buhay ng mga batang nakatira sa Bagong Silanagan, at napakaganda ng resulta ng pagtiyatiyaga ng mga kasapi ng Akbayan, lalo na ng APL at ng LEARN.

Salamat sa mga tumulong at nag-organize nito: Conrad, Jessie, Faye, Laling at ang ibang miyembro ng APL at LEARN. Salamat din kina Kuya Vic, Annie at ang mga YS na kasama namin.

Kapag Akbayan ang Lumaban
Maganda ang Laban
Panalo ang Mamamayan!

This entry was posted in Good Trips and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s