Good Trip to Western Mindanaw State University (WMSU), Zamboanga City (June 24, 2010) Rep. Kaka J. Bag-ao AKBAYAN Party

Good Trip to Western Mindanaw State University (WMSU), Zamboanga City (June 24, 2010)

Rep. Kaka J. Bag-ao, AKBAYAN Party

Noong June 24, 2010 ay naimbita ako ng SCAP-Mindanao sa pamumuno ni Ms. Nove Jane Lacbao upang magsalita tungkol  sa Students’ Rights and Welfare (STRAW) Bill sa Western Mindanao State University.

Pagdating ko sa Zamboanga City ay sinalubong ako ng mga estudyante ng WMSU at dinala nila ako sa isang restaurant kung saan nakakain ako ng masarap na almusal.  Lugaw at fresh lumpia ang specialty nila kaya kahit antok an antok pa ko dahil 4:00am ang flight ay kumain pa rin ako.  Ang sarap e.  Tapos ay dumiretso na kami sa WMSU kung saan gaganapin ang programa. Dahil mga estudyante ang aking audience doon, mas focused ang kanilang mga tanong sa STRAW Bill. At ang dami ng mga estudyanteng dumating, punong-puno ang gym at ang kwento sa kin galing sila sa apat na colleges (sa pagkakaalala ko ay nursing, education, engineering at arts and sciences).  Mainit ang talakayan, sobra silang interesado sa students’ rights and welfare bill at nag-commit sila na susuporta sila para mapasa ang bill na ito.

(Sa buong araw na nandoon ako sa Zamboanga ay kasama ko si Raynan, ang isa sa mga law students na sumali sa Summer Internship Program ng Ateneo Human Rights Center noong Summer, 2010). Naging intern siya ng KAISAHAN, kaya lalo ko siyang nakilala.)

Pagkatapos ng programa ay kumain kami sa isang restaurant na ang specialty nila ay napakasarap na seafood. Dumating nung lunch time ang mga kinatawan ng Akbayan sa Zamboanga, sa pamumuno ni Neil Dalena, ang Division Secretary General. First time ko lang sila ma-meet kaya nakipagkilala ako sa kanila (kasama pa rin sila Nova at mga taga SCAP-Mindanao na suportado din ng partidong Akbayan).

Lumipat kami sa isa pang restaurant na masarap na kape naman ang inihain ng may-ari na AKBAYAN member din.  Masaya din ako dahil na-meet ko din for the first time ang mga kasapi ng Akbayan Zamboanga. Marami kaming napag-usapan lalo na ang agenda ng mga basic sectors na dumating sa pulong… issue ng transport groups, urban poor, magsasaka…Whew!

Salamat kay Nova at sa SCAP Mindanao at mga taga-WMSU, kay Neil at sa Akbayan Zamboanga, at salamat kay Raynan. Salamat din kay Conrad, Kit, Annie, Malu at Aki.

This entry was posted in Good Trips. Bookmark the permalink.

One Response to Good Trip to Western Mindanaw State University (WMSU), Zamboanga City (June 24, 2010) Rep. Kaka J. Bag-ao AKBAYAN Party

  1. Nova Lacbao says:

    Mam Kaka, Na miss ko na po kayo.Sana po ay mabigyan pa kami ng iba pang pagkakataon na makasama po kayo sa mga activities ng akbayan.Marami pong salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa aming imbitasyon. Nasasabik po kaming makita kayo ulit para mas lalong madagdagan ang aming kaalaman at experiences. Marami pong salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s