Good Trip to Zamboanga (August 7, 2010)

Good Trip to Zamboanga (August 7, 2010)

Rep. Kaka J. Bag-ao

Nagtext sa akin dati si Raynan (ang law school student na nakilala ko sa AHRC BOS at nag-intern sa KAISAHAN) na kung pwede daw ay maging guest speaker sa Western Mindanao State University sa kanilang testimonial dinner sa August 7. Okay naman sa akin, at sumunod na rin through email and fax ang formal invitation at program na pinadala ni Ms. Irma Medalle. Gabi ang testimonial dinner kaya around 2 pm ang kinuha kong flight. Ang balik ko na ay kinabukasan, Linggo, ng mga alas-otso ng umaga.

Muntik na akong mag-tricycle dahil imbes na “Kaka” ang nakalagay sa placard, pangalan ng hotel ang nakalagay na hindi ko alam! Pero nakarating naman ako sa hotel.

Hindi ako nahanap ng security na dapat ay susundo sa akin sa airport. Ang nangyari kasi, hindi naman nila ako kilala, at hindi naman nila alam kung lalaki o babae ba si “Kaka”, kaya nahirapan sila na hanapin ako. Kaya nagkandarapa ang Zamboanga City police! Pero nahanap naman nila ako. Nagtanong ako sa kanila kung bakit may security pang kasama, e dinner lang naman. Sabi ni Raynan ay protocol daw yun dahil red alert pati.

Na-impress ako sa testimonial dinner dahil merong grand chorale. Nandun din ang Jambangan dancers, at ang local artist na si Maldita. Sabi ni Raynan ay nakangiti ako habang pinapanood ang buong programa.

Isa pang nagpasaya sa akin (at sa tingin ko ay mahalaga ito) ay ang testimonial ng mga new lawyers ng WMSU Law. Mahirap ang pagdadaanan kapag ikaw ay mag-aaral sa law school, at maraming bagay kang isasakripisyo para maging isang abogado, at ganito ang mga kwento ng mga bagong laywers dun sa dinner. Nagbigay na din ako ng mensahe bilang keynote speaker nila, at sana ay nakabahagi ako ng aking kaalaman at experience sa pagiging abogado.

At nakatikim ako ng kanilang “glorious” and heavenly knickerbocker glory.

Masayang-masaya ako at naimbitahan ako at nakadalo rin ako sa ganitong event. Salamat kay Raynan, Irma at sa mga taga-WMSU. Salamat din kina Perci, Conrad, Kit, Josel, Jonas, Tune, Mark at Annie.

This entry was posted in Good Trips and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s