Good trip to Sumilao

Good trip to Sumilao
October 10, 2010

Ang October 10 ay isang makasaysayang araw hindi lang para sa mga magsasaka ng Sumilao ngunit makasaysayan din ito para sa mga nagsusulong ng repormang pang-agraryo. Ngayong ika-sampu ng Oktubre, ipinamahagi na titulo ng natitira sa 144 na ektaryang lupaing na pagmamay-ari ng mga magsasaka ng Sumilao. Ang lupain na ito ay hindi lamang sa kanila sa ilalim ng CARP, ngunit ito rin ay kanilang ancestral land na minana pa nila sa kanilang mga ninunong katutubo.

Para sa espesyal na okasyon na ito, nag-imbita kami ng mga taga-Kongreso, ng mga taga simbahan at lahat ng sumuporta sa laban ng mga magsasaka ng Sumilao na maibalik sa kanila ang kanilang lupa.

Naimbita din kami ni Cong. Paras na mamasyal sa kanyang bahay sa Forest Park sa Manolo Fortich, Bukidnon, kung saan matatagpuan ang pinakamahabang zip line sa buong Asya. Ang aming mga bisita mula sa OSCI, sa Balaod, mga kasamahan sa Kongreso at sa Akbayan, at si Cong. Teddy Baguilat ay sumubok sa zip line at nag-enjoy naman sila, lalo na ang mga first time na sumubok nun. Nakakain din kami ng masarap na pagkain na hinanda ng mga taga Forest Park. Si Cong. Unabia at ang DAR ng Regions 10 at 11 ang nagprovide ng aming mga sasakyan.

Kami ay umalis na ng gabi papunta sa Freedom Hall ng Sumilao farmers, doon sa kanilang 144 hectares na lupa. Ang iba naming bisita ay doon natulog dahil doon magaganap ang awarding ng CLOA ng DAR sa mga Sumilao farmers.

Dumating ang umaga ng October 10 at sinimulan ang okasyon sa isang misa na pinagunahan ni Bishop Pacana. Pagkatapos ay nagbigay ako ng mensahe hindi lang bilang abogado sa kaso ngunit bilang kasama ng mga Sumilao farmers sa kanilang laban. Pagkatapos ay nagsalita din s si Yoyong Merida, isa sa mga farmer leaders, at nagkaroon ng pagbibigay ng CLOA sa pangunguna ni DAR Sec. Gil delos Reyes. Nagsalita din ang mga bisitang sila

Pagkatapos ng misa at ng programa ay kumain ang lahat ng dumalo ng tanghaliang hinanda ng mga sumuporta, at nagcontribute din sa okasyon ang Del Monte at San Miguel. Nang natapos na ang tanghalian, pumunta na ang lahat sa Freedom Hall upang saksihan ang ritual ng mga Higaonon na datu para sa okasyon. Nagkaroon ng pagdarasal at blessing, at pagkakatay ng manok at ng baboy (trivia: kapag espesyal ang okasyon, nagkakatay ang mga datu ng baboy, ngunit kung hindi naman ay manok ang kanilang kinakatay). Bilang “bai” ng mga Higaonon, ako ay nanatili sa okasyon ng matagal, at nagstay ako hanggang 8pm ng gabi. Pagkatapos ay umuwi na ako sa Barra at nagpahinga, dahil dalawang sunod-sunod na araw ako abala para sa okasyon. Kinabukasan ay bumalik na kami ng Manila.

Ngunit hindi ko ininda ang pagod at puyat dahil sa wakas ay natapos na ang napakatagal na pakikibaka ng mga Sumilao farmers para maibalik sa kanila ang lupang talagang pagmamay-ari nila. Naibigay na din ng buong-buo ang 144 hectares na ipinaglaban nila mula pa noong nag-hunger strike sila sa harap ng DAR noong taong 1998, noong naglakad sila mula Bukidnon hanggang Malacanang noong 2007, at hanggang sa pagkamatay ni Ka Rene Penas. Ang susunod na hakbang ay ang pagdevelop at pagpapalago hindi lang ng kanilang lupa ngunit pati rin ng kanilang komunidad, at sigurado akong magpapatatagumpayan nila ito katulad ng pagtatagumpay nila sa kanilang kaso.

Salamat sa mga sumusunod: mga Sumilao farmers, Cong. Teddy Baguilat, Irene, Cong. Unabia, Cong. Paras, Bishop Pacana, kay Atty. Normie Batula at sa Balaod, Ms. Manapat, Abi, Dudj at mga taga-OSCI, Ronnie at Dioni (mga drivers), sa mga media at partner organizations na sumuporta sa simula at dumalo sa okasyong ito. Salamat din sa AKBAYAN party-list: Perci, Ronald, Conrad, Walden, Risa, Arlene, Malu, Kit, Jonas, Josel, Tune, at sa lahat ng miyembrong sumuporta at tumulong. Salamat din kina Dok G, Bo, at Annie.   

This entry was posted in Good Trips and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s